^

Probinsiya

Justice employee pumalag sa holdap, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng Hall of Justice ang nasawi makaraan itong pagsasaksakin ng mga armadong kalalakihan na nangholdap sa sinasakyan nitong pampasaherong van sa Brgy. Sta. Maria, Trento, Agusan del Sur kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Rey Plaza, nasa hustong gulang, May asawa sa tinamong mga saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Romaldo Bayting, Spokesman ng CARAGA Police, naganap ang insidente habang sakay ang biktima ng pampasaherong kulay abong MB 100 Mercedez Bens van (UUS 189) na minamaneho ni Nielson Escudero.

Ayon kay Bayting ang pampasaherong van ay may lulang 12 katao kabilang ang biktima ay galing Davao City at patungong Bislig City, Surigao del Sur  nang holdapin ng tatlong armadong holdaper na nagpanggap na pasahero pagsapit sa KM27, Brgy.  Sta Maria, Trento ng lalawigang ito dakong alas-4 ng madaling araw.

 Nanlaban naman ang biktima habang tinututukan ng mga holdaper kaya nairita ang mga suspek at pinagtulungan itong saksakin saka tinangay ang dala nitong P15,000.00 cash, Nokia at Samsung cell phone  saka isinunod limasin ang sa iba pang mga pasahero.

Nagawa namang maharang ni Sgt. Oliver Flores ng 7th Special Forces Company ang isa sa mga suspek na kinilalang si Louiejay Pejano, 30 anyos matapos itong maradyuhan ng Trento  Police sa checkpoint sa San Jose Patrol Base.

 

BISLIG CITY

BRGY

DAVAO CITY

HALL OF JUSTICE

LOUIEJAY PEJANO

MERCEDEZ BENS

NIELSON ESCUDERO

OLIVER FLORES

REY PLAZA

TRENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with