^

Probinsiya

Coed pinilahan ng 2 pulis-Zambo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang bagitong pulis-Zambo ang bumagsak sa kalaboso makaraang arestuhin ng kanilang mga kabaro kaugnay sa reklamong panghahalay sa 18-anyos na dalagang estudyante sa kolehiyo sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Lunes ng gabi (Sept. 8)

Sa phone interview, kinilala ni P/Insp. Dahlan Samuddin, spokesman  ng police regional office (PRO) 9 ang dalawang suspek na sina PO1 Bideri Gani ng Siay PNP; at PO1 Julkaiser Hayudin Sali ng Malangas PNP sa Zamboanga Sibugay.

Kalaboso rin ang kasabwat ng dalawang pulis na si Mumar Furuc na sinasabing nagpakilala sa biktimang iti­nago sa pangalang Melissa, 2nd year college student ng Sibugay Technical Institute Incorporated (STII) na kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM).

Isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawang pulis sa kasong rape at se­rious illegal detention habang isasalang din sa drug test ang mga ito kung lulong sa bawal na droga.

Nabatid na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima noong Martes (Sept 9) matapos makatakas  sa boarding house ng isa sa mga suspek bandang alas-2 ng madaling araw sa Barangay Bangkerohan sa bayan ng Ipil.

Sa salaysay ng biktima, ipinakilala ni Furuc sa biktima ang isa sa mga suspek noong Lunes ng gabi kung saan ay kumain sila sa fastfood chain sa nasabing bayan.

Gayon pa man, matapos kumain ng humburger ay nahilo ang biktima kaya dinala ng isa sa mga suspek sa boarding house kung saan isinagawa ang maitim na balak ng dalawang pulis.

Ikinulong ang biktima sa boarding house noong Martes ng gabi hanggang sa makatakas kinabukasan ng madaling araw (Sept 9).

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operations ang mga operatiba ng Ipil  PNP kaya nasakote sina PO1 Gani at PO1 Sali.

BARANGAY BANGKEROHAN

BIDERI GANI

DAHLAN SAMUDDIN

DALAWANG

HAYUDIN SALI

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

MUMAR FURUC

SIBUGAY TECHNICAL INSTITUTE INCORPORATED

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with