^

Probinsiya

Newsman inakyat-bahay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Umaabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang tinangay ng mga di-kilalang lalaki matapos pasukin ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng batikang dzMM reporter kamakalawa ng hapon sa Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan.

Dumulog sa himpilan ng pulisya upang magreklamo ang biktimang si Doland Castro, newsman ng ABS-CBN dzMM, kasama ang misis nitong si Dra. Christina Jo­vida-Castro na mga residente ng La Brezza Subdivision sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Francis Albert Reyes, lumilitaw na pansamantalang umalis ng bahay ang kasambahay ng mag-asawa para magpa-laundry ng mga damit.

Gayon pa man, ilang mi­nuto ang nakalipas ay dumating naman si Doland sa kanilang bahay kung saan napansin nito na nakabukas ang kanilang gate.

Dito na kinutuban si Do­land kaya mabilis na tinungo ang master’s bedroom kung saan bumulaga sa kanya ang nagkalat na mga kagamitan at nawawala ang 2-kahon ng alahas, dalawang lop top at isang Olympus Microscope.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY PANTOC

BULACAN

CHRISTINA JO

DOLAND CASTRO

FRANCIS ALBERT REYES

LA BREZZA SUBDIVISION

MEYCAUAYAN CITY

OLYMPUS MICROSCOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with