Mayor sa Zambales iprinotesta sa Comelec
MANILA, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing mapatalsik sa puwesto si Mayor Estela Antipolo ng San Antonio, Zambales dahil sa election protest na isinampa sa Comelec ng isa sa kanyang mga kalaban sa pulitika.
Ito ay matapos ipag-utos ng Commission on Elections (Comelec) ang recount sa ilang clustered precincts na ginamit noong May 13, 2013 elections.
Sa 8-pahinang resolusyon ni Presiding Commissioner Lucenito Tagle at kinatigan nina Commissioners Robert Lim at Al Pareno, pinagbigyan ng 1st Division ng Comelec ang petition for certiorari na inihain ng natalong kandidato na si Juan Alvez.
Sina Alvez at Antipolo kasama ang dalawang iba pang kandidato ay tumakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng San Antonio noong 2013 polls. Nanalo si Antipolo taglay ang kabuuang 5,178 boto habang pumangatlo naman si Alvez na may 2,975 boto.
Nagsampa ng election protest si Alvez para mag- recount sa 26 clustered precincts.
Gayon pa man, ibinasura ni Judge Bocar ang reklamo noong May 31, 2013 dahil sa teknikalidad kaya naghain ito ng motion for reconsideration pero dinismis din noong June 18, 2013 kung saan napilitang magpasaklolo si Alvez sa Comelec.
- Latest