State of calamity sa Maguindanao
NORTH COTABATO, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang siyam na bayan sa lalawigan ng Maguindanao matapos lumubog sa tubig-baha dahil sa patuoy na buhos ng ulan.
Sa ulat ng MDRRMC head Benjamin Alip, umabot na sa 4,935 pamilya (23,519 indibidwal) ang apektado ng pagbaha na nagsimula noong nakaraang linggo dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Kabilang sa nilamon ng tubig-baha ay ang mga bayan ng Pagalungan, Sultan Kudarat, Kabuntalan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Sultan sa Barongis, Rajah Buayan, Datu Hofer, at sa bayan ng Mamasapano.
Samantala, aabot sa 30 barangay sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang lubog pa ring tubig-baha nitong nakalipas na araw.
Sa talaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 19 barangay sa bayan ng Pikit at 9 barangay sa Kabacan ang binaha.
Habang umaabot sa 100 ektaryang taniman ng pananim ang lubog sa tubig-baha sa bayan ng Kabacan.
Patuloy namang inaalalayan ng mga miyembro ng Humanitarian Emergency and Response Team (Heart) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga pamilyang apektado ng tubig-baha.
- Latest