^

Probinsiya

1-taong gulang na bata nabaril ng ama sa ulo

Pilipino Star Ngayon

SOUTH COTABATO, Philippines – Patay ang isang sanggol matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang ama sa South Cotabato nitong kamakalawa.

Kusang sumuko ang suspek na si Stanley Cabel sa mga awtoridad matapos ang insidente na ikinasugat din ng kanyang asawang si Jocelyn Aton Cabel.

Ayon sa imbestigasyon ng Tantangan municipal police, natutulog si Cabel at ang kanyang pamilya nang sugurin ng tatlo niyang bayaw na lasing sa kanilang bahay sa Barangay Libas.

Nauwi sa kaguluhan ang pagpasok ng tatlo na nakilalang sina Olive Aton, Jonathan Aton, at Enin Aton.

Pinagtulungan ng tatlo si Stanley matapos niyang ilabas ang kanyang baril mula sa cabinet.

Dahil sa kaguluhan, naiputok ni Stanley ang baril na tumama sa ulo ng kanyang isang-taong-gulang na anak at sa kanyang asawa.

Kaagad nasawi ang bata, habang nagpapagaling sa South Cotabato Provincial Hospital si Jocelyn.

Nakatakas naman ang tatlong bayaw ni Stanley.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LIBAS

CABEL

ENIN ATON

JOCELYN ATON CABEL

JONATHAN ATON

OLIVE ATON

SOUTH COTABATO

SOUTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

STANLEY CABEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with