Biyuda kinatay
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 53-anyos na biyudang misis matapos na burdahan ng saksak ng dalawang lalaki sa loob ng tahanan nito sa Brgy. Tigbian, Labo, Camarines Norte.
Nakilala ang biktima na si Lenillia Villaluz, na namatay sa Leon Hernandez Memorial Hospital.
Samantala, pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang sina Bong Belardo at Teresita Ivon, at pawang mga residente ng nabangit na barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw habang natutulog ang biyuda nang pasukin at pagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek na mabilis na tumakas.
Natukoy naman ang mga suspek dahilan bago nalagutan ng hininga ang biktima ay nasabi pa nito sa kaniyang kapatid na si Ernesto kung sino ang nasa likod ng krimen.
- Latest