Biyuda inutas dahil sa lupa
CAMARINES NORTE, Philippines - Napatay ang 53-anyos na biyuda matapos itong saksakin sa leeg ng kanyang kabarangay dahil sa alitan ng lupaing pinag-aagawan sa Barangay Tigbinan, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Geoffrey Fernandez, natutulog sa kanyang bahay ang biktimang si Lenillia Bonalos nang pasukin at saksakin ng suspek na si Bong Belardo. Nabatid na bago ang pamamaslang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at kapitbahay na si Teresita Ivon Sumilang habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest