^

Probinsiya

3 opisyal ng PNP na gumamit ng impounded car, masisibak

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines  - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang tatlong opisyal ng pulisya na kasalukuyang isinasai­lalim sa imbestigasyon dahil sa paggamit ng impounded vehicle na inabandona ng mga kriminal sa Cebu City, Cebu, ayon sa ulat.

Ipinag-utos na ni Cebu City PNP director Noli Romana sa Investigation and Detection Management Branch na masusing imbestigahan ang mga dating hepe ng Theft and Robbery Section sa Cebu City PNP Office na sina P/Chief Inspector Noli Cernio, P/Senior Inspector William Alicaba, at si P/Senior Inspector Elisandro Quijano na mga inakusahang gumagamit ng impounded Mitsubishi Lancer for personal purposes.

Nabatid na si Cernio ay kasalukuyang hepe ng Punta Princesa Police Station habang si Alicaba naman ay deputy commander ng Station 2 at si Quijano naman ay hepe ng Homicide Section na ina­ming ginamit nila ang nasabing impounded vehicle sa police operations subalit pinabulaanan naman nila ang akusasyong ginagamit ang nasabing kotse para sa pansariling pakay.

Ayon kay Alicaba, ang nasabing kotse (7C 1900) ay narekober noong Hunyo 2013 matapos abandonahin at sinasabing hindi nakarehistro sa LTO.

Maging si Quijano ay ginamit din ang nasabing kotse matapos humingi ng permiso kay Alicaba.

Gayon pa man, naging hepe ng Homicide Section si Quijano kaya ibinalik nito ang kotse kay Cernio na pumalit bilang hepe ng TRS.

Ayon sa ulat, hindi na­ibalik ang nasabing kotse sa bagong hepe ng TRS bagkus ay dinala ni Cernio sa  bagong puwesto at kamakalawa lamang ibinalik nito ang nasabing kotse sa impounding area matapos ipagawa.

Sa pahayag ni Romana na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal ng pulisya ang paggamit ng impounded vehicle na ang kapalit nito ay ang kanilang tungkulin bilang kaparusahan. Freeman News Service

ALICABA

AYON

CEBU CITY

CERNIO

CHIEF INSPECTOR NOLI CERNIO

FREEMAN NEWS SERVICE

HOMICIDE SECTION

INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT BRANCH

QUIJANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with