Kinalasan ng misis, nagbigti
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam at naging desperado ang 32-anyos na magsasaka ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis kaya nagdesisyon itong magbigti sa kanilang bahay sa Purok 2, Barangay Mayao sa bayan ng Oas, Albay, kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5 ng hapon nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Joemar Requero. Nabatid na tatlong buwang nag-iisa na lamang ang biktima sa kanyang bahay matapos hiwalayan ng kanyang misis at mga anak. Huling namataang buhay ang biktima na nasa bakuran ng kanyang bahay na may malalim na iniisip bago isagawa ang pagpapakamatay.
- Latest