^

Probinsiya

Bomb blast: 5 sugatan

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang isang sundalo ng Phi­lippine Army ang nasugatan  matapos na sumabog ang homemade bomb na itinanim sa nakaparadang jeep sa plaza ng Cotabato City, Maguindanao kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rolen Balquin, Cotabato City PNP director  ang mga sugatang sina Private Dondon Asuncion Bambao, 23, ng Army’s 5th Special Forces Battalion; Lumbay Selbando, Baingan Ango, 45; Mambai Datumanong, 33; at si Abdulrakman Utto, 22, pawang market vendors kung saan isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center.

Sa pahayag ni Balquin, ang bomba ay ikinabit sa Wrangler Jeep (MCF 443) ni Prof. Ismael Abdullah na ipinarada sa harapan ng RSY Pawnshop sa Makakua Street, Pobalcion 5.

Nabatid na kabababa lamang ni Abdula sa Wrang­ler jeep nang sumabog ang bomba na ikinasugat ng nagpapatrulyang sundalo at ng mga vendor na nagtitinda sa plaza.

Inihayag ng opisyal na ang bomba ay gawa sa sedik rocket propelled grenade kung saan isinailalim naman sa pagtatanong ng pulisya si Abdullah na sinasabing konektado sa Sajehatra Peace Force at dating guro sa Mindanao State University pero pinakawalan din makalipas ng ilang oras.

Inaalam kung may kinalaman ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa naganap na pagpapasabog.

ABDULRAKMAN UTTO

BAINGAN ANGO

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COTABATO CITY

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

ISMAEL ABDULLAH

LUMBAY SELBANDO

MAKAKUA STREET

MAMBAI DATUMANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with