Duterte 'di makikialam sa 'bugbog' video ng Davao top cop
MANILA, Philippines — Ayaw makialam ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang personal na buhay ni Davao City Police Office Director Senior Supt. Vicente Danao Jr. na kumakalat ang video ngayon nang pananakit sa kanyang asawa.
Sinabi ni Duterte na wala itong kinalaman sa trabaho ni Danao kaya naman hindi siya dapat mangialam dito.
"That incident being shown on YouTube is personal to Danao that has nothing to do with his work as a police director," pahayag ni Duterte kahapon.
Inilagay ang naturang video sa YouTube noong Agosto 9 na pinamagatang “Hudas Ka” kung saan inaabuso umano ni Danao ang kanyang asawa.
Kita sa video na nakauniporme pa si Danao habang binabanatan ang kanyang asawa.
"Senior Supt. Vicente Danao is reportedly inhumane even to his own family as depicted in the police blotters during occasions his battered wife sought help in the local police station," komento ng isang nakapanood.
Nauna nang sinabi ni Danao na luma na ang video at ngayon lamang inilabas ito upang matanggal siya sa kanyang puwesto.
"No comment lang. Salamat sa nag-upload," wika ng pulis sa kanyang panayam sa ABS-CBN.
Samantala, kinondena naman ng women's rights group Gabriela ang pananakita ni Danao sa kanyang asawa.
- Latest