^

Probinsiya

P1-M reward sa killer ng warden

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Philippines – Nag-alok ng pabuyang P1-milyon ang gobernador ng Nueva Ecija sa ikadarakip sa dalawang killer ng warden ng provincial jail na inambus at napatay noong Miyerkules ng gabi habang pauwi sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Mayapyap Sur, ng lungsod na ito.

Sa kanyang talumpati sa ika-113 anibersaryo ng Nueva Ecija Police, kinondena ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali ang ginawang pag-atake sa napaslang na jail warden na si Enrico Campos, 55, ng Brgy. Magsaysay Sur sa naturang siyudad.

Ang kapulisan ay ka­ila­ngan umanong tumayo at harapin ang hamon ng pag­resolba sa naturang pamamaslang at dito inanunsyo ng gobernador ang P1-M na pabuya sa mga killer ng warden.

Ayon sa ilang report, itinumba umano si Campos dahil sa paglaban umano nito sa ilegal na droga sa kulungan.

 

vuukle comment

AURELIO UMALI

BRGY

ENRICO CAMPOS

MAGSAYSAY SUR

MAHARLIKA HIGHWAY

MAYAPYAP SUR

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA GOV

NUEVA ECIJA POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with