Warden, 30 pa sinibak dahil sa droga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sinibak sa puwesto ang jail warden at 30 tauhan ng Tuguegarao City District Jail matapos makasamsam ng mga bawal na droga sa sorpresang bisita ng regional director sa kanilang teritoryo kamakalawa. ?
Inilagay sa regional office ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at isinailalim sa imbestigasyon si P/Chief Insp. Mark Rian Dirain at 30 jail guards.? Sa pahayag ni BJMP Regional Director Amelia Abbariao-Rayandayan, sinopresa nila ang district jail kaugnay sa programang Operation Greyhound na sinimulan noong Hulyo kung saan nakasamsam ng kabuuang P8, 000 halaga ng shabu.
Nagpatunay lamang sa operasyon ang mga natanggap nilang ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency na may nagaganap na transaksiyon ng droga sa nasabing kulungan.
Pinalitan ni P/Chief Insp. Nanding Bayle ang sinibak na si Dirain.
- Latest