Mestisahin ni-rape slay sa palayan
BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit isang di-kilalang babae na pinaniniwalaang hinalay muna saka pinagsasaksak ng isang di-kilalang lalaki sa liblib na palayan sa Barangay Sapang sa bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga.
Walang natagpuang pagkakakilalan sa biktimang nasa 20 hanggang 25-anyos, mestisahin, may 5’4” talampakang taas, at naka-abuhing palda, t-shirt, may berdeng kuwintas at asul na tsinelas.
Ayon kay PO2 Ferdie Santos, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa palayan dakong alas-10 ng umaga.
Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng ilang saksak sa leeg at batok ang biktima. Narekober din sa crime scene ang screw driver, mahabang kadena at panty ng biktima.
Pinaniniwalaan namang adik sa bawal na droga ang pangunahing suspek sa naganap na krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon
- Latest