^

Probinsiya

3 todas sa karambola ng sasakyan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang namatay  habang  tatlo naman ang grabeng nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa tabi ng highway sa bayan ng Binmaley, Panga­sinan noong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Ferdinand de Asis, hepe ng Binmaley PNP, kabilang sa namatay ay sina Dory de Leon na nahati ang katawan at Galileo Caladiao, 47, driver ng motorsiklo na pumailalim sa truck.

Samantalang inararo pa ng truck ang bahay sa tabi ng highway kung saan namatay si Victoria Cortez na nag­luluto ng pagkain para sa kanilang karinderya.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nag-overtake ang truck (XSH-549) ni Gilbert Catalan sa motorsiklo ni Caladiao.

Gayon pa man, nakabanggaan naman nito ang dump truck (SKH -741) ni Jaime de Guzman kung saan nahagip ang motorsiklo ni Caladiao na kaangkas ang ka-live-in nitong si de Leon na pumailalim sa dump truck at nakaladkad.

Samantala, naisugod naman sa pagamutan ang nasugatang driver ng truck at pahinante nitong si Ronnie Mararac.

Sa nasabing insidente ay halos nadurog ang mukha ni de Leon at nahati ang katawan kung saan nahirapan ang rescue team na alisin  ang katawan ng magka-live-in sa ilalim ng dump truck.

 

vuukle comment

ASIS

BINMALEY

CALADIAO

GALILEO CALADIAO

GILBERT CATALAN

RONNIE MARARAC

TRUCK

VICTORIA CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with