^

Probinsiya

Tinyente dedo sa NPA attack

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang Army Lieutenant  ng  Peace and Development Team (PDT) matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army habang nagsasagawa ng proyekto sa Barangay Gupitan, bayan ng Kapalong, Davao del Norte kahapon ng umaga. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pangalan ng batang opisyal dahil ka­ilangan pang impormahan ang pamilya nito.

Ayon kay Captain Ernest Carolina, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division,  abala ang pangkat ng Bravo Company ng Army’s 60th Infantry Battalion sa isinasagawang proyekto bilang bahagi ng Bayanihan sa pangunguna ng tin­yente nang puntiryahin ng pamamaril ng mga rebelde.

Hindi naman nakaganti ng putok ang mga sundalo matapos na pumuwesto ang mga rebelde sa eskuwelahan at kalapit na simbahan.

Iginiit ng opisyal na hindi nais ng tropa ng militar na magkaroon ng collateral damage  lalo na ang mga inosenteng batang estud­yante sa nasabing eskuwelahan.

 

ARMY LIEUTENANT

AYON

BARANGAY GUPITAN

BRAVO COMPANY

CAPTAIN ERNEST CAROLINA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

PEACE AND DEVELOPMENT TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with