Totoy kinatay ng bading
CAVITE , Philippines – Pinaniniwalaang hinalay muna saka pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang bading ang 13-anyos na totoy sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Nakiusap naman ang mga magulang ng biktima na pansamantalang hindi muna isiwalat ang pagkakakilanlan sa bata na nakatira sa Mabuhay 2000 Subd. sa nabanggit na barangay.
Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Sadam o Sandy, 26, tubong Surigao at kasambahay ng pamilya ng bata.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Geraldine Sagun umalis ang ama ng biktima kaya naiwan ito sa pangangalaga ng kanilang kasambahay na bading.
Gayon pa man, bandang alas-5 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya kaugnay sa naganap na krimen sa nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuang tadtad ng saksak at luwa ang bituka ng batang walang saplot ang katawan at nakahiga sa sahig ng kanilang bahay.
Nawawala rin ang malaking halaga ng mag-ama na nakalagay sa aparador.
Narekober ng mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ang duguang kitchen knife sa likurang bahagi ng bahay.
- Latest