^

Probinsiya

Abogado nilikida

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay ang beteranong abogado matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa kanyang bahay sa bayan ng San Fabian, Pangasinan kahapon ng umaga. Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, kili-kili at braso na idineklarang patay sa Decena Hospital sa Dagupan City ang biktimang si Atty. Cristobal Fernandez. Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Reynaldo Diay, naganap ang krimen sa unang palapag ng bahay ni Fernandez sa panulukan ng Osmeña at Caballero Streets sa Barangay Poblacion. Nabatid na nagko-computer ang biktima kaugnay sa mga inihahanda nitong dokumento sa pagdalo sa paglilitis ng korte sa kasong kaniyang hinahawakan nang pumasok ang mga armadong lalaki. Sa pahayag ng ilang testigo, ang gunmen ay lulan ng dalawang motorsiklo na tumigil sa tapat ng bahay ni Fernandez. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa krimen.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CABALLERO STREETS

CRISTOBAL FERNANDEZ

DAGUPAN CITY

DECENA HOSPITAL

FERNANDEZ

REYNALDO DIAY

SAN FABIAN

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with