^

Probinsiya

Sekyu dinedo ng kabaro saka nag-suicide

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   – Sinasabing alitan sa trabaho ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 26-anyos na security guard ng kanyang kaba­rong sekyu saka nagbaril din sa sarili sa pinapasukang establisimyento sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa  buhay ni Nonel Clavillas, 26, ng Triple Junction, Barangay Matungao sa bayan ng Bulakan habang nagbaril naman sa sarili at namatay si Felimon Sabado, 54, ng Tandang Sora Ave., Barangay Balara sa Quezon City. Base sa ulat ni PO3 Willie Tadeo, nagpapa­hinga si Clavillas sa kanilang barracks sa Jose Cruz Builders nang pagbabarilin ni Sabado saka nagbaril ito sa ulo sa likurang bahagi ng kanilang outpost. Narekober sa crime scene ang dalawang cal .38 revolver na pag-aari ng kumpanyang pinapasukan ng mga sekyu.

 

vuukle comment

BARANGAY BALARA

BARANGAY MALHACAN

BARANGAY MATUNGAO

FELIMON SABADO

JOSE CRUZ BUILDERS

MEYCAUAYAN CITY

NONEL CLAVILLAS

QUEZON CITY

TANDANG SORA AVE

TRIPLE JUNCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with