Sex slave nailigtas sa Zambo
July 25, 2014 | 6:06pm
MANILA, Philippines – Isang dalagitang dinukot at ginawang sex slave ang nailigtas ng mga awtoridad sa Zamboanga City.
Ayon kay Police Regional Office 9 public information officer Dahlan Samuddin, nailigtas ang 18-anyos na biktima sa tulong ng isang tipster.
Nabawi ang biktima sa Calle Cawayan, Sitio Dumagsa nitong kamakalawa ng hapon.
Dinukot ang dalagita nitong Hulyo 7 at napag-alamanang ilang beses ginahasa ng mga suspek.
Bigo naman ang mga awtoridad na madakip ang mga suspek na ngayon ay tinutugis pa rin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended