^

Probinsiya

Bihag na social worker pinalaya ng ASG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang nalalabing Department of Social Work and Development (DSWD) worker na bihag nila nitong kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng Sulu.

Nakilala ang social worker na si Robert Saputalo na pinalaya sa Barangay Danag sa bayan ng Patikul bandang alas-10 ng gabi matapos ang anim na araw na pagkakadakip.

Ayon kay Sulu provincial police director Senior Superintendent Abrham Orbita ang mga awtoridad ang tumanggap sa biktima sa Barangay Kagay, Talipao.

Nauna nang pinalaya ang mga kasamahan ni Saputalo na sina  Lerna Jura at ang mag asawang Antonio at Nurhani Sicangco.

Dinakip ang mga social workers nitong nakaraang linggo habang nagsasagawa ng survey para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno.

Sinabi ni Orbita na wala namang impormasyon kung may nagbayad ba ng ransom kapalit ng kalayaan ng mga social workers.

ABU SAYYAF

AYON

BARANGAY DANAG

BARANGAY KAGAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WORK AND DEVELOPMENT

LERNA JURA

NURHANI SICANGCO

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

ROBERT SAPUTALO

SENIOR SUPERINTENDENT ABRHAM ORBITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with