^

Probinsiya

Adik sa pakikipag-text, kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 42-anyos na  misis na sinasabing mahilig mag-text makaraang pagsasaksakin ng seloso nitong mister sa kanilang bahay sa Barangay Bolhoon, bayan ng San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa San Miguel Community Hospital  ang biktimang si Susanna Demelio Betinol habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Gerardo Betinol.

Sa ulat na nakarating kay Caraga PNP spokesman P/Supt. Romaldo Bay­ting, galing sa bukid ang suspek kung saan uuwi muna para mag-almusal subalit walang nadatnang pagkain dahil ang kanyang misis ay abala sa pagte-text.

Sa pag-aakalang may ka-textmate na ibang lalaki ang kaniyang misis ay sinita niya ito at pilit na pinaamin pero tumanggi ang biktima hanggang sa  nauwi sa mainitang pagtatalo.

Gayon pa man, nairita ang suspek at pinagsasaksak ang kanyang misis saka mabilis na tumakas kung saan nagtago sa detachment ng Cafgu sa takot na kuyugin ng mga kapatid at kamag-anak ng kaniyang asawa.

Sumuko naman ang suspek sa himpilan ng pulisya  at nahaharap sa kasong parricide.

BARANGAY BOLHOON

CAFGU

CARAGA

GAYON

GERARDO BETINOL

ROMALDO BAY

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL COMMUNITY HOSPITAL

SUSANNA DEMELIO BETINOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with