Teroristang Aussie timbog sa Cebu
MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang isang Australian national na pinaghihinalaang terorista sa isinagawang operasyon sa pinagtataguan nito sa Lapu-Lapu City City nitong Biyernes ng umaga.
Sa ulat ni Chief Supt. Prudencio Tom Bañas, Director ng Police Regional Office (PRO) 7, kinilala ang nasakoteng suspek na si Robert Edward Cerantino, 29, tubong Melbourne, Australia at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Ibo, Lapu-Lapu City.
Bandang alas-5:30 ng umaga ng salakayin ng mga elemento ng pulisya ang nirerentahan nitong bahay sa nasabing lugar.
Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant for deportation na inisyu ng Bureau of Immigration noong Hulyo 10 laban kay Cerantino matapos na matunton ang pinagtataguan nito.
Inihayag naman ni Supt. Conrado Cappa, Deputy Regional Director for Operations ng Cebu Police na si Cerantino ay isang Christian na nagpa-convert sa Islam na gumagamit ng kaniyang website kavkaz.center.com at social media accounts upang isulong ang terorismo at himukin ang mga Muslim na lumahok sa Jihad sa Syria at Iraq. Arestado rin sa operasyon ang Pinay na si Joean Navarro Montayre, na kasama ni Cerantino sa tinutuluyan nito na nahaharap naman sa kasong estafa.
- Latest