2 notoryus na tulak ng droga, tiklo
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang notorious drug pushers matapos makuhanan ng P3 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Limay, Bataan, iniulat kahapon.
Sa ulat ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nakilala ang mga suspect na sina Roldan Lakandula, alyas Dan-Dan, 39, at Marlon Dizon, 32, pawang mga residente ng Brgy. Alangan, Unang Kanto, Mansteel Luz, Limay, Bataan.
Nadakip ang mga suspects ng pinagsanib na tropa ng PDEA RO3 sa pamumuno ni Director Jeoffrey C. Tacio, at Police Regional Office 3-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) dakong alas-11 ng gabi sa Brgy. Alangan, Unang Kanto, Mansteel Luz, Limay, Bataan.
Nakuha mula sa mga suspects ang 10 piraso ng plastic bags na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng 1 kilo. Bukod dito, narekober din ng mga operatiba ang isang Kia Carens at ang buy-bust money sa nasabing operasyon.
Sina Lakandula at Dizon ay pansamantalang nakaditine sa PDEA RO3 jail facility sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest