^

Probinsiya

Amasona na lider ng NPA, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng tropa ng militar ang isang amasonang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa Brgy. Guibo, Siayan, Zamboanga del Norte, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasakote na si Mercy Maghinay, alyas Joycee/Genevie, 35, tubong San Miguel, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Captain Franco Salvador Suelto, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID), si Maghinay, lider ng lokal na NPA Group na binansagang “Feliciano Bravo” ay nag-o-operate sa bulubunduking bahagi ng Zamboanga del Norte.

Ang grupo ni Maghinay ay sangkot sa panununog ng construction equiptments na nagkakahalaga ng P50.3 mil­yon sa Brgy. Titik, Sindangan, Zamboanga del Norte noong Nobyembre 19, 2013.

Nabatid na nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng militar at ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Nadakip si Maghinay matapos na abandonahin ito ng mga nagsitakas nitong tauhan na naghiwahiwalay ng direksyon sa kagubatan.  Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang shotgun, isang cal. 45 pistol at isang hand grenade.

Isinasailalim na sa masusing tactical interrogation ang nasakoteng lider ng mga rebelde.

BRGY

CAPTAIN FRANCO SALVADOR SUELTO

FELICIANO BRAVO

INFANTRY DIVISION

MAGHINAY

MERCY MAGHINAY

NEW PEOPLE

NORTE

SAN MIGUEL

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with