Paring namahiya ng nagpapabinyag, nag-sorry
MANILA, Philippines – Humingi na ng paumanhin ngayong Martes ang Cebuanong pari na sinermonan ang isang 17-anyos na ina na nagpapabinyag ng anak sa Cebu.
"I am now making a public heartfelt apology to the mother of the child and her immediate family. The words I said and the rude attitude that I showed before I performed the rite of baptism last Sunday, July 6, 2014 at the Sacred Heart Chapel, Jagobiao, Mandaue City was indeed unbecoming," pahayag ni Fr. Romeo Obach ng Congregation of the Most Holy Redeemer.
Umani ng batikos mula sa publiko ang ginawang pamamahiya ng pari sa isang ina na nagpapabinyag ng kanyang anak kahit hindi kasal sa simbahan.
"I only later realized how cruel my ways to educate and impart lessons for the said event. I am deeply sorry to the mother of the child, her relatives, the sponsors and the witnesses of the incident. I am sorry to the Internet viewers, to media listeners and viewers for this mistake I personally admit. I am deeply sorry and I humbly ask your forgiveness," dagdag ni Obach.
Napag-alamanang iniwan ang ina ng nakabuntis sa kanya matapos malamang nagdadalang tao siya.
Dumating pa umano sa puntong wawakasan na ng ina ang kanyang buhay dahil sa labis na kalungkutan.
Nauna nang ipinaalala ng Santo Papa sa mga pari na binyagan pa rin ang mga sanggol kahit hindi kasal sa simbahan ang mga magulang.
- Latest