^

Probinsiya

Sayyaf kidnaper, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng militar at pulisya ang kilabot na kidnaper ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang ang inilatag na operasyon noong Sabado ng madaling araw sa Isabela City, Basilan. Kinilala ni Captain Franco Salvador Suelto, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division ang suspek na si Alih Salih alyas Abu Ali na sumasailalim na sa tactical interrogation. Si Salih na may nakabinbing warrant of arrest ay nasakote sa isinagawang joint law enforcement operations ng Army’s 104th Brigade at ng lokal na pulisya sa bahagi ng Barangay Panigayan, Malamawi Island sa nasabing lugar. Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng suspek ay ang pagdukot sa 10 trabahador ng Golden Harvest sa Barangay Tairan, bayan ng Lantawan, Basilan noong 2002. Gayundin ang pagbihag sa 50 guro at estudyante sa Tumahubong National High School sa bayan ng Sumisip, Basilan noong 2000.

ABU ALI

ABU SAYYAF GROUP

ALIH SALIH

BARANGAY PANIGAYAN

BARANGAY TAIRAN

BASILAN

CAPTAIN FRANCO SALVADOR SUELTO

GOLDEN HARVEST

INFANTRY DIVISION

ISABELA CITY

MALAMAWI ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with