^

Probinsiya

Mayor todas sa ambush ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay si Impasug-ong Mayor Mario Okinlay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang convoy nito habang pabalik na sa kanilang munisipyo mula sa medical mission sa Bukidnon kahapon ng umaga.

Ayon kay Major Christian Uy, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, naganap ang pananambang sa Barangay Buntungan sa bayan ng Impasug-ong bandang alas-8:20 ng umaga.

Nabatid na katatapos lamang ng medical mission (Hatid Serbisyo) program ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Okinlay nang pagbabarilin ang convoy ng opisyal kung saan kaagad na nagsitakas ang mga rebelde.

“It was a harassment attacked, after firing the rebels fled immediately,” ani Uy na sinabi pang ikinagalit ng mga rebelde ang progreso ng nasabing barangay dahil sa programa ng lokal na pamahalaan ay nawala ang simpatiya sa NPA ng mga residente.

Inilatag na ang malawakang pagtugis ng tropa ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa pananambang sa nasabing opisyal.

Sa tala ng pulisya, napatay din si dating Kadilingan, Bukidnon  Mayor Joselito Talaid matapos tambangan ng mga holdaper noong Mayo 2013 kung saan tinangay ang P7-milyong cash na dala ng nasabing opisyal.

BARANGAY BUNTUNGAN

BUKIDNON

HATID SERBISYO

IMPASUG

INFANTRY DIVISION

MAJOR CHRISTIAN UY

MAYOR JOSELITO TALAID

MAYOR MARIO OKINLAY

MAYOR OKINLAY

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with