Van swak sa bangin: Mag-amo utas, 2 grabe
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkasabay na namatay ang mag-amo habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos mahulog ang van sa may 100 metrong lalim na bangin sa Barangay Golonogon, bayan ng Aguinaldo, Ifugao kahapon ng madaling araw. ?
Kinilala ni Ifugao PNP Director P/Senior Supt. John Colinio ang mga namatay na sina Edward Doligas, may-ari ng Easter Waving and Apparel Company na nakabase sa Baguio City; at Clifford Fawayan na kanyang bisor.?
Kritikal naman ang mga mananahi na sina Ramon Gagaoin at Felicisima Borbe.?
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakaidlip sa pagmamaneho si Doligas sa haba ng tinahak na biyahe mula sa Baguio City.
Gayon pa man, nawalan ng kontrol sa manibela si Doligas pagsapit sa kurbadang pabulusok sa bahagi ng highway kaya nagtuluy-tuloy sa bangin bandang alas-4:30 ng madaling araw.?
Nabatid na patungo sana ang mga biktima sa bayan ng Mayaoyao, Ifugao upang magsukat ng mga magpapatahi ng uniporme ng lokal na pamahalaang bayan na kanilang kinontrata.
- Latest