Army patay sa pananambang
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Bumulagta ang isang sundalo ng Phil. Army sa naganap na pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tabacda sa bayan ng Tubo, Abra kamakalawa.? Sa ulat ni Maj. Calixto Cadano, spokesman ng 5th Army Division sa Camp Upi, Gamu, Isabela na magsasagawa ng civic mission ang tropa ng militar malapit sa hangganan ng Abra- Cervantes, Ilocos Sur nang tambangan ng mga rebelde ang kanilang convoy.? Nakilala lamang sa apelyido ang napatay na si Pfc. De Masa ng Phil. Army 70th reconnaissance Company sa Abra.? Gayon pa man, pinaniniwalaang may mga nasugatang rebelde matapos makipagsagupaan ang mga sundalo dahil sa mga bakas ng dugo sa pinagdaanang patakas.
- Latest