^

Probinsiya

Crash helmet ibinawal sa Ifugao

Pilipino Star Ngayon

LAMUT, Ifugao , Philippines   – Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang pagsuot ng crash helmet sa mga motorista lalo na sa mga nakamotorsiklo bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa riding-in-tandem gunmen na pangunahing salot sa nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Atty. Mariano Buyagawan Jr., ang pagsusuot ng helmet ay mahigpit na ipinagbabawal matapos aprobahan ng konsehal ang ipinalabas na Executive Order #18 series of 2014 ng local na pamahalaan upang makilala ang mga nakamotorsiklong pumapasok at lumalabas sa nasabing bayan.

Ito ay matapos ang magkakasunod na patayan sa ka­tabing bayan ng Bagabag sa Nueva Vizcaya kung saan ang mga biktima ay mga Ifugao na niratrat ng riding-in-tandem na naka helmet.

“The ‘no helmet’ policy in our town may prevent riding-in-tandem suspects in terro­rizing our citizens, if they are not wearing helmets, people can easily identify riding-in-tandem after or even before committing a crime,”  pahayag ni Buyagawan.

Sa tala ng pulisya, umabot na sa 7-katao kabilang ang isang pastor at dating konsehal ng barangay ang naging biktima ng pamamaril ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklong naka-helmet.

Gayon pa man, mahigpit ang tagubilin ni Mayor Buyagawan sa pulisya na siguraduhing walang suot na helmet ang sinumang nakamotorsiklo na papasok at lalabas ng Ifugao.

Samantala, agad naman na bumuo si Nueva Vizcaya PNP director P/Senior Supt. John Luglug ng special task force para tugisin ang gunmen sa serye ng pagpatay.

Maging si Bayombong Bishop Ramon Villena ay nana­wagan din para kondenahin ang naganap na patayan kasabay ng panawagan sa mga residente na huwag matakot dahil walang katotohanan ang mga ipinapakalat sa mga text messages kaugnay sa hidwaan sa pagitan ng mga Ifugao at Ilocanos

 

BAYOMBONG BISHOP RAMON VILLENA

EXECUTIVE ORDER

IFUGAO

JOHN LUGLUG

MARIANO BUYAGAWAN JR.

MAYOR ATTY

MAYOR BUYAGAWAN

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with