EasyDrive binuksan sa Cavitex
CAVITE, Philippines - - Pinasinayanan kahapon ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at Cavitex Infrastructure Corporation ang pinakabagong inobasyon sa Philippine Toll roads na EasyDrive sa Cavite.?
Ayon kay MPTC President Ramoncito Fernandez, ang EasyDrive stickers ay battery-less sticker na gumagamit ng radio frequency identification (RFI) na inilalagay sa windshield ng sasakyan.?
Mapapabilis nito ang mga motorista sa toll gate ng Cavite Expressway dahil hindi na kailangan pang mag-swipe ng card o kailangang tumigil pa upang magbayad dahil kusang tataas ang nakaharang na bakal sa toll gate dahil sa chip at antenna na nasa sticker.?
“Tuluy-tuloy na ang pagdaan sa toll gate at hindi na kailangan pang pumila para magbayad lalo kapag rush hour,” Dagdag pa nito.?
Ayon pa kay Fernandez, walang expiration ang load ng sticker at maaaring umabot ng 10-taon at mahigit pa ang lifespan ng sticker. Pinakamababang load na nailalagay sa sticker ay P200 habang pinakamataas na ang P2,000 na magagamit anumang oras na dumaan ka sa Cavitex.?
Kasalukuyang ginagamit ang ganitong uri ng inobasyon sa Amerika, Canada, India, at Taiwan pero bago matapos ang 2014 ay tinatarget na lagyan din ang North Luzon Expressway (NLEx).
- Latest