Minero kinatay ng kabaro
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang agawan sa treasure hunting ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 40-anyos na minero ng kanyang kabarong minero sa Barangay Cansayong, bayan ng Malimono, Surigao del Norte kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Romaldo Bayting, spokesman ng Caraga PNP ang biktima na si Louie Domingo ng Barangay Buhangin, Davao City.
Ang biktima ay nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at leeg bukod pa sa mga pasa sa matitinding hampas ng dos-por-dos na kahoy sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Felix PaboÂnita, 58, isa ring minero ng Nabunturan, Compostela Valley.
Isinurender ng suspek ang itak at kahoy na ginamit sa krimen at ang cal. 45 pistol na pag-aari ng biktima na inunahan lamang niya.
Sa imbestigasyon, naganap ang krimen na pinagmiminahan ng dalawang minero sa Purok 1 kung saan nagkainitan ang suspek at ang biktima dahil sa mahuhukay sa treasure na humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pag-aaway ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang biktima na hindi pa nakuntento ay pinagpapalo pa ito ng dos-por-dos.
- Latest