^

Probinsiya

Lola pinugutan ng apo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 84-anyos na lola matapos itong pagsasaksakin ay pinugutan ng sariling apo na sinasabing nag-amok at napatay naman ng pulisya noong Miyerkules ng hapon sa Olongapo City, Zambales.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Inspector Ramon Fernandez, hepe ng Police Station 5 ng Olongapo City ang matanda na si Claudia Balondo. 

Naisugod pa sa Saint Jude Hospital ang apong lalaki na si Juben Balondo, 24, matapos mapilitang barilin ng mga operatiba ng pulisya na tinangka rin nitong saksakin.

Samantala, ginagamot naman ang apat na sugatang kapitbahay ni Balondo na pinagsasaksak nito na sina Laude de Vera, 70; Michael Calderon na kapwa  nasa kritikal na kondisyon habang ang dalawa naman ay sina Oscar Lobo at Roger Estaldor.

Base sa police report, sinabi ni Fernandez, naganap ang insidente dakong alas-4: 45 ng hapon makaraang mag-amok si Juben sa Barangay Mabayuhan kung saan pinagsasaksak, kinaladkad at hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ang kaniyang lola habang pinagsasaksak din nito ang apat na kapitbahay.

Gayon pa man, tumangging sumuko ang suspek na akmang susugurin pa ng saksak ang mga operatiba ng pulisya kaya napilitang paputukan kung saan nasapul sa tiyan at idineklarang patay sa nasabing ospital.

Sinabi ng opisyal na ang suspek ay matagal na umanong may diprensya sa pag-iisip at nagpagamot lamang sa albularyo pero bumalik muli ang sakit nito.

 

BARANGAY MABAYUHAN

CLAUDIA BALONDO

JUBEN BALONDO

MICHAEL CALDERON

OLONGAPO CITY

OSCAR LOBO

POLICE STATION

ROGER ESTALDOR

SAINT JUDE HOSPITAL

SENIOR INSPECTOR RAMON FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with