Magkapatid naabo sa sunog
MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na bata makaraang maabo sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Sitio Kansantik, Barangay Bato sa bayan ng Sibonga, Cebu kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, kinilala ang mga nasawing biktima na ang magkapatid na Ezequil Gab Sarnillo, 4; at Philip Hans Sarnillo, 1.
Nabatid na tanging ang magkapatid lamang ang naiwan sa kanilang bahay dahil ang ama nilang si Armando ay pumasok na sa trabaho habang ang nanay na si Gemma ay may binili sa tindahan.
Sa ulat ni SFO3 Julde Deposa, Sibonga fire marshal, pinaniniwalaang ang apoy ay nagmula sa nag-overheat na ceiling fan kaya nasunog ang bahay ng pamilya Sarnillo na gawa lamang sa kawayan at pawid na nasa mataas na bahagi ng nasabing barangay.
Narinig pa umano ng mga kapitbahay ang iyakan ng mag-utol pero hindi nila pinansin dahil sa pag-aakalang ordinaryong kinakastigo lamang ng kanilang ina dahil sa kakulitan.
Gayon pa man, isa sa mga kapitbahay ng mga biktima ang lumabas sa kanyang bahay kung saan bumulaga sa kanya na niÂlalamon na ng apoy ang buong kabahayan ng pamilÂya Sarnillo.
Tinangka pang sumaklolo ang ilang kapitbahay subalit bago pa sila makarating sa mataas na lugar ay naabo na ng buong baÂhay at nabigong naisalba ang magkapatid.
- Latest