P30K bayad sa killer ng Cebu hotelier
MANILA, Philippines - Umaabot sa P30,000 ang ibinayad sa gunman para patayin ang bilyonaryong may-ari ng Crown Regency Group of Hotel na si Richard Lim King na pinagbabaril sa Davao City noong Huwebes ng Hunyo 12.
Ito ang inamin sa mga imbestigador ng Davao City PNP ng isa sa mga suspek na si Paul Dave Molina Labang, 24, na binayaran siya ng P30,000 para itumba si King.
“Kahirapan ang nagtulak upang isagawa ang krimen upang isalba sa gutom ang naghihirap na pamilya,†pahayag ni Labang sa mga imbestigador ng pulisya
Sinabi nito na “nagsisisi na siya sa kaniyang ginawang krimen at humihingi ng kapatawaran sa pamilya ni King.â€
Si Labang ay kabilang sa tatlong suspek na nasakote sa pamamaslang kay King na kinabibilangan ng magkapatid na Romel de la Cerna, 39, nagsilbing lookout; at Rodel de la Cerna, 32, driver ng motorsiklo.
Nabatid na hindi rin sukat akalain ng mga suspek na superyaman pala ni King na hindi naman nila talaga kilala at nasilaw lamang sa inialok na bayad ng kanilang kontak kaya isinagawa ang krimen.
Sinasabing isang police officer ang kumontak sa mga suspek at ipinaalam na nasa opisina na si King sa Vital C Building sa Sobrecarery, Barrio Obrero sa Davao City noong Huwebes nang lapitan at pagbabarilin ito.
Ikinanta naman ni Labang na si P/Senior Supt. Leonardo Felonia, hepe ng Regional Intelligence Unit ng Davao Region PNP ang siyang nag-utos para paslangin si King.
Gayon pa man, sumuko kamakalawa ng gabi si Felonia kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte para linisin ang kaniyang pangalan sa pagpatay sa bilyonaryong negosyante.
Sa kasalukuyan ay patuloy namang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasabing police officer.
- Latest