3 suspek sa pagpatay sa hotel tycoon, tiklo
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong suspek na natukoy na sangkot sa pagpatay sa hotel tycoon na si Richard Lim King noong Huwebes ng tanghali sa isinagawang operasyon sa Davao City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng Davao City PNP, kinilala ang tatlong suspek na sina Rommel de la Cerna, 39, isang asset ng pulisya; Paul Molina, triggerman; at si Rodel dela Cerna, driver ng motorsiklo at kapatid ni Rommel.
Ang tatlo ay natukoy ng mga nagtratrabaho sa Laud Firing Range sa Maa District sa nabanggit na lungsod.
Si King na may-ari ng Crown Regency Group of Hotels ay pinagbabaril sa Vital-C Office sa SobreÂcarey Street, Barrio Obrero, Davao City noong Hunyo 12 ng gabi.
Una nang nagpalabas ang pamilya ni King at si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng P1.3 milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ika-aresto ng mga suspek.
Sa inisyal na interogasÂyon ng pulisya, ikinanta naÂman ni dela Cerna na noong Huwebes ng tanghali (Hunyo 12) ay nakatanggap ng tawag sa telephone si Molina mula sa isang opisyal ng pulisya na pinatitingnan kung nasa loob ng kaniyang opisina sa Vital-C Building ang biktima.
Nang makumpirmang nasa loob ng kaniyang opisina ang negosyante ay dito na pumasok at pinagbabaril ni Molina sa ulo si King kung saan ang tatlo ay mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Sa kasalukuyan, humihimas na ng rehas na bakal ang mga suspek sa detention cell ng Intelligence Section ng Davao City PNP.
- Latest