3 tiklo sa child trafficking
CAMARINES NORTE, Philippines- BagÂsak kalaboso ang tatlong pinaghihinalaang child traffickers matapos na maaresto sa isinagawang entrapment operations ng mga awtoridad sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Hindi na nagawang makatakas ng tatlong suspek na kinilalang sina Daisy “Miky†Esquivar 38 anyos at Arnel Hinagpis; pawang ng Naga City habang ang isa pa ay si Joanna Aguilar 20 anyos ng Canaman, Camarines Sur.
Bandang alas- 11:11 ng gabi, isang patibong ang isinagawa ng mga awtoridad makaraang magpanggap ang isang 14 anyos na batang babae na pumapayag itong magbenta ng aliw sa mga kustomer ng mga suspek kapalit ang halagang P1,500.
Matapos na iabot ng mga suspek ang nasabing halaga sa dalagita habang sakay ng kotseng puti namay plakang TWH 350, mabilis na dinampot ng mga awtoridad ang mga suspek.
Batay sa rekord, noong Hunyo 3, 2014, inireklamo na rin ang mga suspek ng mga menor-de-edad na mga kababaihan pinilit ng mga itong magbenta ng panandaliang aliw. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) ang mga suspek.
- Latest