^

Probinsiya

Magpinsan tiklo sa pagdukot sa tiyahin

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€” Kalaboso ang binagsakan ng magpinsan matapos arestuhin ng pulisya kaugnay sa pagdukot sa kanilang tiyahin sa Imus City, Ca­vite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jeanelyn Hernandez Gilbuena at Darlyn Gilbuena Paradero, kapwa pamangkin ng biktimang si Elcy Bautista, negosyante at nakatira sa La Bautista Compound sa Barangay Buhay na Tubig sa nasabing lungsod. Ayon kay PO3 Alan Reyes, nagawang kidnapin ng mga suspek ang kanilang tiyahin sa ikalawang pagkakataon kung saan hu­mingi ng P.1 milyon bilang ransom. Nabatid na nagdrama ang mga suspek na dinukot ng mga armadong lalaki ang kanilang tiyahin subalit sa follow-up operation ng pulisya ay nabuko ang modus ope­randi ng magpinsan. Gayon pa man, nabawi ang P.1 milyong  ransom na ibinigay ng pamilya ng biktima.

 

vuukle comment

ALAN REYES

AYON

BARANGAY BUHAY

DARLYN GILBUENA PARADERO

ELCY BAUTISTA

GAYON

IMUS CITY

JEANELYN HERNANDEZ GILBUENA

LA BAUTISTA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with