11 bayan sa Maguindanao lubog sa tubig-baha
NORTH COTABATO, Philippines - – Umaabot sa labing-isang bayan sa lalawigan ng Maguindanao ang nilamon ng tubig-baha kung saan libu-libong residente ang naapektuhan dahil sa patuloy na buhos ng ulan simula pa noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao Executive Secretary Atty. Laisa Alamia, kabilang sa naapektuha ay ang mga bayan ng Mamasapano, Rajah Buayan, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Piang, Datu Salibo, Shariff Saidona Mustapha, Pagalungan, at ang bayan ng Datu Montawal.
Sa ulat ng ARMM-Humanitarian Emergency Response and Action Team (HEART), aabot na sa 7, 000 residente ang pansamantalang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig-baha na posibleng madadagdagan pa ng bilang dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Apektado rin ang mga agricultural crops at maÂging ang serbisyo sa ilang Barangay Health Centers kung saan pansamantalang hindi muna pinapasok sa mga paaralan ang mga estudyante dahil sa panaÂnalasa ng tubig-baha.
Patuloy ang monitoÂring ng ARMM-HEART sa buong lalawigan habang nakatutok naman ang mga tauhan ng search ang rescue team.
- Latest