^

Probinsiya

Ambush: Pulis patay, asawa kritikal

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Bulagta ang 38-anyos na pulis habang kritikal naman ang asawa nito matapos tambangan ng riding-in-tandem assassins sa panibago na namang karahasang naganap sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Olazo, hepe ng Ta­nauan PNP ang biktimang si PO2 Estratuto Bagsic ng Barangay Janopol, Tanauan City at naka-assign sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Vicente Lim, bayan ng Cabuyao, Laguna.

Naisugod naman sa CP Reyes Hospital ang asawa ni PO2 Bagsic na si Agnes matapos tamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan at tumagos sa kanang dibdib.

Samantala, walang nada­may sa apat na anak ng mag-asawang Bagsic na may edad 14,13,11 at 9-anyos na kasaluku­yang nasa pangangalaga ng Tanauan City Social Welfare and Development para sumailalim sa counselling dahil sa matinding takot sa nasaksihang krimen.

Nabatid na ihahatid sana ng asawang Bagsic ang apat na anak sa eskuwelahan sakay ng L-300 van (TLR-658) nang ratratin ng gunmen pagsapit sa Barangay Santor bandang alas-6:30 ng umaga.

 â€œKahit sugatan naitak­bo pa ni PO2 Bagsic ang sasakyan nila nang ilang metro hanggang abutan uli ng gunmen malapit sa gate ng DBP Technopark bago pa uli pinagbabaril nang malapitan,” pahayag ni Olazo.

 â€œNagmumura ang gunmen habang binabaril si PO2 Bagsic, patunay lamang na matindi ang galit ng mga ito sa biktima,” dagdag pa ni Olazo.

Matapos ang pamamaril, sumibad patungo sa bayan ng Talisay ang tandem habang tangay naman ang service firearm ni PO2 Bagsic.

 

BAGSIC

BARANGAY JANOPOL

BARANGAY SANTOR

CAMP VICENTE LIM

CHRISTOPHER OLAZO

ESTRATUTO BAGSIC

OLAZO

REGIONAL HEADQUARTERS SUPPORT GROUP

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with