Ama pinatay sa harap ng mag-ina
CAMARINES NORTE, Philippines - Kalungkutan ang sumalubong sa selebrasyon ng Father’s Day makaraang pagbabarilin at mapatay ng akyat-bahay ang padre de pamilya sa harap ng kanyang mag-ina sa Barangay Causip, bayan ng Bula, Camarines Sur, kamakalawa ng madaling araw. Sa imÂbestigasyon ng pulisya, nabatid na nagising ang biktimang si Rogelio Valle sa sunud-sunod na kahol ng alagang aso kaya agad nitong inusisa kasama ang kanyang mag-inang Maria at Arnel. Nagulat na lamang ang biktima at ang kanyang mag-ina nang biglang bumulaga sa kanila ang tatlong maskaradong lalaki na nakapasok sa kanilang bakuran. Gayon pa man, nanlaban ang biktima para ipagtanggol ang mag-ina subalit niratrat siya sa harap mismo ng kanyang asawa’t anak. Tangay ng akyat-bahay ang malaking halaga ng pamilya Valle habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest