^

Probinsiya

PTCFOR sinuspinde sa Pangasinan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde na ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa buong lalawigan ng Pangasinan, isang linggo matapos na paslangin si Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr.

Ito ang inihayag  kahapon ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Director Alan Purisima.

Ayon kay Mayor, epektibo nitong Biyernes ay ipinatupad ang pagsuspinde sa PTCFOR na naglalayong mabawasan ang mga insidente ng karahasan sa lalawigan.

Noong nakalipas na Hunyo 7 ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan si Mayor Balolong na ikinasawi rin ng security escort nitong si PO1 Eliseo Ulanday, isang empleyado at pagkasugat naman ng tatlong iba pa. Si Balolong ay kapartido ni Pangulong Benigno Aquino sa Liberal Party.

Nabatid na kamakalawa ng gabi ay nakipaglamay si PNoy sa burol ni Balolong at tiniyak ang hustisya sa na­sawing al­kalde.  Samantala, dalawa namang suspek  na sina Eduardo­ de Guzman at Marito Perez ang nasakote sa krimen kama­kailan.

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

ELISEO ULANDAY

LIBERAL PARTY

MARITO PEREZ

MAYOR BALOLONG

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI BALOLONG

SPOKESMAN SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with