3 Army dedo sa landmine
MANILA, Philippines - Tatlong sundalo ng Phil. Army ang napaslang habang anim naman ang nasugatan matapos masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Bugtosan, bayan ng Las Navas, Northern Samar kahapon ng umaga. Kinilala ang mga namatay na sina Private Lino Mahinay, Pfc. Jaype Yulas, at si Pfc Albert Abolencia habang sugatan naman sina 2nd Lt. Marco Abante, Cpl. Ronnie Balastas, Pfc. Gerry Culaban, Pfc. Danmar Ching, Pfc. Marlon Urbano at si Pfc. Buenaventura Raygon. Sa pahayag ni Major Amado Gutierrez, Army’s regional spokesman ng 8th Infantry Division, nagpapatrolya ang mga sundalo nang pasabugan ng mga rebelde. Sumiklab ang 25 minutong bakbakan bago nagsitakas ang mga rebelde. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 5-bomba, 5-electrical blasting caps, 1, 500 metro ng electrical wire at 2-backpacks.
- Latest