^

Probinsiya

Coed nilamon ng ilog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Napaaga ang kamatayan ng 17-anyos na college student makaraang malunod habang lumalangoy sa Tinanan River sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Mary Joy Gonzales, ng Sitio Kinilid sa Barangay Bang-Bang, bayan ng Matalam, 2nd year student sa Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) at may kursong BS Agriculture.

Batay sa ulat ng pulisya, nagkayayaan ang magkakabarkada kabilang na ang biktima na maligo sa nasabing ilog dahil sa holiday at walang pasok sa kolehiyo.

Gayon pa man, habang lumalangoy ang grupo ng kabataan ay napansin nila na nawawala na si Gonzales.

Mabilis na ginalugad ang paligid ng ilog kung saan makalipas ang ilang minuto ay narekober naman ang dalaga na wala ng malay.

Kaagad naman isinugod sa bahay-pagamutan ang biktima pero binawian na rin ito ng buhay.

 

ARAKAN

BARANGAY BANG-BANG

BATAY

COTABATO FOUNDATION COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

MARY JOY GONZALES

NORTH COTABATO

ROLLY ORANZA

SENIOR INSP

SITIO KINILID

TINANAN RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with