Hotel owner itinumba sa Davao
MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napaslang ng di-kilalang lalaki ang 57-anyos na bilyonaryong negosyante ng Cebu na may-ari ng Crown Regency Group of Hotels at Vital Health Products sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Obrero, Davao City, Davao del Sur noong Huwebes ng gabi.
Napuruhan ng dalawang bala ng cal. 45 pistol sa ulo ang biktimang si Richard Lim King makaraang pagbabarilin ng gunman sa loob ng gusali ng Vital-C Inc. sa panulukan ng Sobrecarey at Lacson Streets sa nasabing barangay.
Ayon sa imbestigasyon, naghahanda na para magÂhapunan ang biktima nang pumasok sa opisina nito at ratratin ng gunman na mabilis tumakas lulan ng motorsiklo na minaneho ng isa pang lalaki.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Jed Clamor, spokesman ng PNP regional PNP, nagtungo sa Davao City ang biktima mula sa Cebu City para dumalo sa closing ceremonies ng Vital C Wellness training seminar.
Si King ay pangulo at exeÂcutive officer ng J. King and Sons Inc., Fuente Triangle Realty Development Corporation, developer ng Crown Regency, Club Ultima, the Ultima Residences Fuente Tower, Ultimate Residences Ramos Tower at founder at director ng Boracay Multiple Properties Inc.
“Sa ngayon blangko pa ang kapulisan dahil ‘yung majority ng business associates niya (King) nasa Boracay at Cebu. Resident siya ng Cebu City. Ayon sa ulat, nagpupunta lang siya sa Davao every two or three months,†ayon pa sa opisyal na sinabi pang walang kasamang bodyguard si King.
Kasalukuyang kinukuwestiyon ng mga awtoridad ang mga kawani ni King dahil walang guwardiya ang gusali nito at wala ring closed circuit television (CCTV) camera na makakatulong sana para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman. Dagdag ulat ng Freeman News Service
- Latest