Bike sumemplang, misis patay
CAVITE, Philippines - - Bulagta ang 31-anyos na misis habang sugatan naman ang kanyang anak na lalaki makaraang mahulog mula sa sinasakyang motorsiklo na sumemplang sa kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Poblacion 1, bayan ng Ternate, Cavite, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang namatay na si Lynebel Mendoza ng Brgy. Poblacion 2 habang naisugod naman sa ospital ang kanyang anak na 9-buwang gulang na si Daniel Perpinian Mendoza habang sugatan din ang driver ng motorsiklo na si Christian Razon. Base sa police report, kaangkas sa motorsiklo ni Razon ang mag-ina nang sumemplang ito matapos iwasan ang traysikel ni Alex Fernando na sinasabing biglang lumiko sa kaliwa sa kahabaan ng nasabing highway. Nahulog ang biktima at tumama ang ulo sa sementadong kalsada habang arestado naman ang driver ng tricycle na si Fernando.
- Latest