Bike rider utas sa ambush
QUEZON , Philippines – May posibilidad ng onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang isang motorcycle rider ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Malabanban Norte, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Lucena United Doctors Hospital dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa dibdib at hita ang biktimang si Joel Ferrer ng Barangay Manggalang 1, bayan ng Sariaya, Quezon. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Job de Mesa, nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng barangay road nang sabayan at pagbabarilin ng tandem. Ayon sa pulisya, maraming insidente ng pamamaril ang naganap na iniuugnay sa operasyon ng droga gayon pa man ay patuloy ang imbestigasyon.
- Latest