^

Probinsiya

Magtiyuhin itinumba dahil sa droga

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang bawal na droga ang iba sa motibo kaya pinabulagta ang magtiyuhin makaraang pagbabarilin ng mga armadong kala­lakihan sa Barangay Natividad North, bayan ng Cabiao, Nueva Ecija noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Neptalie Franco, 43, nasa order of battle ng pulisya, at sinasabing miyembro ng Benjie Garcia Drug Group; at Ariel Franco, 49, tricycle driver, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Natagpuan ng pulisya ang bangkay ni Neptalie sa ikalawang palapag ng kanyang bahay habang naisugod naman sa Duque Hospital si Ariel subalit idineklarang patay.

Narekober sa crime scene ang 14 basyo ng cal. 9mm pistol at 2 basyo ng M-16 Armalite rifle na nagkalat sa sahig ng bahay ng magtiyuhin.

Nabatid na noong 2013, nakaligtas sa tangkang pagpatay si Neptalie na sinasabing sangkot ang mga kalaban sa negosyong pagtutulak ng droga mula sa kalapit na bayan ng Arayat, Pampanga.

 

ARAYAT

ARIEL FRANCO

ARMALITE

BARANGAY NATIVIDAD NORTH

DRUG GROUP

DUQUE HOSPITAL

NEPTALIE

NEPTALIE FRANCO

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with